May nais ka bang marating sa buhay? Mga pangarap na ngayon ay pinaghahandaan mo. Ang mga pangarap bang ito ay nabigyan mo ng oras para makapagset ka ng goals mo para marating ang mga ito? Kung hindi pa, ang post na ito ay tatalakay sa anim na advantages o kabutihang naidudulot ng pagsiset ng iyong goal para maabot mo ang mga pangarap na ito. Mahalang hindi lamang ito nagtatapos sa pagdiday dreaming. Dapat din nating paghandaan o pagtrabahuan ito.
Kaya kung ready ka na let’s get started.
1. Ma-aidentify mo ang iyong short term at long term goals.
Ang goals ay may dalawang klase, iyong kaya mong marating sa loob lamang ng ilang oras, araw o buwan at iyong nangangailangan ng mahabang panahon. Ang tawag jan ay short term at long term goals. Mahalang ang short term goals mo ay may connection sa long-term mo. Halimbawa ang long term goal mo ay makapagpatayo ng sarili mong bahay. Maaaring ang short term goal mo ay magaral ng skill para makakuha ng high paying job o maghanap ng extra source of income para mas mabilis kang makapagipon. Sa twing magsiset ka ng short term goal, lagi mong ikoconsider na ito ung steppingstone mo sa long-term goal mo. Sa ngaun, isipin mo ang iyong long term goal, ……… at ano ang short term para maabot mo ito? Share mo sa comment sa baba baka sakaling may matulungan ka.
2. Maiintindihan mo kung sino ka.
Ang mga goals mo sa buhay ay isang representation of yourself. Kung ang goal mo ay malaman kung ano ang purpose ng buhay mo, sit down and write some goals. Magugulat ka sa dami ng mga bagay na matutunan mo sa iyong sarili kung ano mahalaga sau. Kapag kilala mo ang iyong sarili mabilis kang makakapagset ng goals sa susunod na pagkakataon. Malalaman mo kc ang limitasyon mo, ang lakas mo, ang disiplina, ang skills, ang mga pag-uugaling hindi ka aware noon. With these in mind, mabilis mong maililay out ang short term goals mo, to achieve bigger goals in life.
3. Magiging malinaw sau ang daan to achieve greater things
Halimbawang magroroadtrip ka ng walang iniisip na pupuntahan. Sure, masaya yun! Pero paano mo malalaman kung nakarating kn sa iyong destination? Masayang magtravel ng walang destination lalo’t kasama mo ang iyong mga kaibigan o pamilya pero hindi yan nagwowork sa totoong byahe ng buhay. Sa buhay mahalaga na alam mo kung ano ang gusto mong marating dahil yan din ang magdedetermine saan ka magsisimula. Ano ang mga bagay na dapat mong iprepare at ano ang mga hakbang na dapat mong gawin.
4. Mas mabilis/madali ang decision making
Ang ginagawa mo ba ngaun ay naka-align sa long-term goal mo? Kung hindi, then stop doing it. Ano ang mga bagay na nagkoconsume ng oras mo sa ngaun na maaari mong sabihing steppingstone mo to achieve your goal. You should know these things at kung hindi ito nakakatulong sau, kaya mo ding tigilan ang mga ito without asking any other questions. Sa choice between one thing or another, mabilis kang makakapagdesisyon kung nakikita mong ang isang choice ay connected sa goal mo.
5. Goals keep you active
Madaling magsayang ng oras at gawin ang mga bagay na magdidistract sau pero mahirap maabot ang mga bagay na gusto mo kung palagi kang distracted. Pinakamagandang benepisyo ng pagisiset ng goal ay ang pagbangon araw araw to become better. Ayon nga isang kasabihan, “A person can live forty days without food, four days without water, four minutes without air, but only four seconds without hope.” Ang pag-asang araw araw you get closer to your goal ang isa sa pinakamagandang panghawakan sa ngayon kasabay ng syempre “working towards it.”
6. Mas nagiging creative ka
Isa sa mga magagandang bagay na meron ka ay ang pagkakaroon
ng habits pero madalas ito din ang nagiging balakid ng ating progress. At para maabot
mo ang iyong goals, nafoforce mo ang iyong sarili to become more creative na
ibreak ang mga habits or bad habits na ito. Halimbawa, isa sa mga habits na
meron ka ay ang pagkain ng hindi sakto sa oras. Maaaring masabi mong walang
kinalaman ito sa long term goal mo, pero kung ikaw ba ay magkasakit dahil dito,
do you think magagawa mo pa din ang mga bagay para maachieve ang iyong goal?
Paano mo ibibreak ang habit na ito? Maaaring magset ka ng alarm kung oras para
kumain o be more creative, magmeal prep ka once in a while.
Marami pang advantages ang pagsiset ng goals at madidiscover
mo pa sila along the way. Kung meron ka ng nadiscover na hindi natin namention,
please share them in the comment section. It might help someone.
In summary, ang anim na advantages sa pasiset ng goals ay:
- Ma-aidentify mo ang iyong short term at long term goals.
- Maiintindihan mo kung sino ka.
- Magiging malinaw sau ang daan to achieve greater things
- Mas mabilis/madali ang decision making
- Goals keep you active
- Mas nagiging creative ka
Add your comment