6 ARAL NA HINDI ITINURO SA SCHOOL

in , , by R. Rimblert, Nobyembre 05, 2022

Noong tayo’y nagaaral pa o kung ikaw ay nagaaral pa, pakiramdam mo din ba na lahat ng itinuturo sa school ay hindi naman mahalaga kapag nsa labas kn? Ung tipong hindi ka naman magrerecite ng history ng Pilipinas twing tatanungin ka kung paano maging masaya. Alam kong irrelevant ang maraming bagay na itinuturo sa atin sa school pero naiintindihan ko din kung bakit ang mga ito ay itinuturo subalit may mga bagay lng talagang sana sa school pa lng ay itinuro na. Sa school pa lng habang tayo’y mga bata pa at wala pang karanasan sa mga ganitong mga bagay. Para naprepare sana tau sa hirap ng buhay sa labas ng paaralan. Ano ang mga aral na ito na huli na natin natutunan. Kumbaga saka pa lamang tau natutong lumangoy ng tayo’y nalulunod na. At yan ang paguusapan natin sa video natin ngaun. Mga bagay na mahalagang napagaralan na sana natin noon pa subalit hindi naman itinuro sa paaralan dahil maging ang ating mga guro ay salat din sa ganitong kaalaman.

Pero bago natin umpisahan, welcome to Filipino Success kung saan nagshishare tau ng mga tips about personal finance, business ideas and opportunities at personality development. Please consider subscribing with notifications on. Ilike na din ang ating video para mas marami pang maabot ang mga ganitong money lessons. 

At umpisahan nating isa-isahin ang mga bagay na dapat sana’y naituro sa school.

1. Paano magkaroon ng strong mindset

Ang mindset ang isa sa pinakamahirap ituro kung ituturo mo ito sa mga mga taong may alam na at nakaranas na ng hirap. Iba na kc ang kanilang priority na may malaking factor paano nila nadedevelop ang kanilang sariling mindset. Pero kung ito ay naituro sa murang edad pa lamang, yung mga panahong tabula rasa pa lamang ang ating pagiisip na lahat ng sinsabi ng ating mga guro ay pinaniniwalaan pa natin. Nagamit sana ang oportunidad na ito para madevelop ang strong mindset ng mga kabataan o natin nung panahon ng ating kamusmusan. Magkagyunman, kung hindi natin ito natutunan sa school, may panahon pa para madevelop ito. When you stop learning you stop growing. Kaya kung iniisip mo na matanda kn para magkaroon ng strong mindset, nagkakamali ka. Napakaraming tao ang matanda na ng magumpisa at nagtagumpay. Habang buhay ay may pagasa.

2. Paano baguhin ang iyong pananaw sa mga bagay bagay

Naalala ko nung highschool ako, tinanong ako ng aking teacher kung ano daw ang gusto kong gawin, sinabi kong gusto kong maging mayaman, no matter what it takes na walang inaapakang tao. Maging journalist, teacher, engineer, doctor, kahit ano pang propesyon yan basta isa lamang ang goal ko, ang yumaman. Sinabi nia sa aking mali daw yun. Hindi ko daw dapat iniisip lagi ang pera. Kaya binalik ko sa kanya ang tanong kung bakit kailangan niang magtrabaho kahit minsan ay nagrereklamo syang napakaraming trabaho, hindi sya nakasagot at ngumiti na lng at sinabing pag yumaman kn wag mo akong kakalimutan. Nakakalungkot isipin na kontento na si madam sa ganung buhay. At mas nakakalungkot na ang ganitong pananaw, na may trabaho, sumasahod, ang itinuturo nia sa kanyang mga estudyante. Kaya kung isa ka sa mga nasabihan na kailangan mong makapagtapos ng kolehiyo para yumaman, ngaun pa lamang ay sinasabi ko na sau na hindi yan guaranteed. Kailangan mong matutunang baguhin ang iyong pananaw sa bagay na ito. Napakaraming successful na tao ang hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral. O mga nakapagtapos naman pero hindi naman successful. Nsa sau yan kung paano mo lalaruin ang game ng buhay.

3. Paano malaman ang iyong full potential

Naituro naman sa atin ano ano ang mga sports na maaari nating salihan. Ano ano ang pwede nating gawin sa ating mga libreng oras, pero kung isa ka sa mga taong wala namang talento sa mga ganitong bagay, ano ang maaari mong pagtuunan ng pansin? Umattend sa klase o magbantay ng mga maiingay at nagkacutting class? We are better than that. Siguro walang sapat na oras para pagtuunan ng pansin ang ganitong bagay, pero hindi baga kaya ka nsa school ay para matutunan ang mga bagay na mahalaga sa pagabot ng iyong mga pangarap na madalas nababalewala dahil mas nakafocus ang ating mga educators sa mga deadlines at deliverables. Nakakaligtaan na nila ang isa sa pinakamahalagang aral na dapat sana’y naituro sa atin sa school. Paano madiscover ang iyong full potential. Kya naman ang mga ganitong skill ay natututunan na natin sa labas ng paaralan at kadalasan pa nga ay hindi din naiimprove dahil kulang sa suporta ng dapat sana’y tagapaghubog ng ating mga murang kaisipan. Subalit magkayunman, wag mong hayaan na just because hindi naituro sa school ay hindi mo na aaralin. Mahalaga pa din na alam mo ang iyong full potential dahil yan din ang magbibigay sau ng idea kung ano ang iyong limitasyon na mahalaga sa pagabopt sa iyong mga pangarap.

4. Paano magkaroon ng tiwala sa sarili

Palagi sinsabi ng ating mga guro na dapat tayong magtiwala sa ating sariling kakayanan kaya nga tau isinasali sa kung anu anong kompetisyon sa school noon dba? Pero kung paano ito gawin ay hindi direktang itunuro. Basta lng tau sinabihan na magaling ka jan at ikaw ang magrerepresent ng ating school tapos itetrain ka, tapos isasalang kn. Pag natalo ka, unti unti nawawala na ang iyong tiwala sa’yong sarili hanggang sa ayaw mo ng sumali dahil matatalo ka lng din ulit. At dahil sa dami ng mga estudyante, hindi kn napansin at hindi na din naadress ang pagkawala mo ng tiwala sa iyong sarili. Kumbaga may mas iba pa silang dapat pagtuunan ng pansin kaysa turuan kang ibalik ang yong tiwala sa iyong sariling kakayanan. Subalit hindi pa huli ang lahat. Hindi man nila napansin ang pagkawala ng yong tiwala sayong sarili, hindi naman ito dapat maging dahilan ng iyong paggive up. May mga bagay lng talagang hindi para sau dahil hindi ito ang tunay na skill mo, alamin mo kung ano ito at linangin para maibalik mo ang noo’y gumuho mong tiwala sayong sarili.

5. Paano mahanap ang iyong tunay na passion

Nakafocus ang school sa mga basic na asignatura tulad ng Science, Math, History at iba pang akala ng marami ay sapat na. Ang hindi nila alam ay dapat palang mas pinagtuunan ng pansin ang kalinangan kung saan masaya mong naibabahagi ito ng may malalim na passion. Iyong alam mo sayong sarili na gagawin mo ang mga bagay na ‘to ng matagal na panahon ng hindi ka nagsasawa. Simula nung bata pa ako, napakarami kong gustong gawin subalit isa man sa mga ito ay hindi ko naman passion. Naging struggle ko paano madiscover ang totoo kong gustong gawin sa buhay na hanggang sa makagraduate na ako ng college, ay hindi ko pa rin nahahanap. Nakapagtapos ako ng BSED Math pero hindi ko naman passion ang magturo. Nakapagtrabaho din ako sa iba’t ibang field pero madalas nagreresign lng din dahil hindi ako masaya sa mga ginagawa ko. Hindi ko sinisisi ang school kung bakit ligaw ako pagdating sa career o pagdating sa pagdiscover ng aking passion. Sinisisi ko ang aking sarili na somehow, kung noon ko pa pinagaralan paano mahanap ang aking tunay na passion, hindi sana ako nagsayang ng maraming panahon para makita ito. Ikaw, nahanap mo nb ang tunay mong passion sa buhay? Kung hindi pa, wag kang magdali at give yourself sometime to explore and discover your true passion. Sumubok ng mga bagay na alam mong magiging masaya ka. 

6. Paano harapin ang iyong mga kinatatakutan.

Ito ang never namention sa khit na anong asignatura sa school. Maging sa values Education o GMRC hindi man lamang natouch ang ganitong topic. Paano mo haharapin ang iyong kinatatakutan. Kung ito ay naituro habang tau ay wla pang kinatatakutan, mas naminimize sana natin ang nagpapatong patong na fear natin ngaun. Takot sumubok sa mga bagay, takot mabigo, takot masaktan, takot magkamali, takot sa isang bagay, takot sa hinaharap. Ikaw, ano ang kinatatakutan mo at paano mo ito hinaharap. O kailanman ay hindi mo inisip na harapin ito. 

SHARE 0 comments

Add your comment

Visit Our Youtube Channel

© Filipino Success · Designed by rrubion