Ang mga successful na businessmen sa Pilipinas ay nagmula sa iba’t ibang field, mula sa culinary hanggang sa pharmaceutical businesses. Bagaman napakalaki ng pagkakaiba ng mga fields na ito, isa lamang ang natatanging katangian na mayroon sila, na common sa bawat isa, iyan ay ang willingness na maovercome ang mga pagsubok at pagtagumpayan ang mga ito.
1. Henry Sy (Shoe Mart)
Kung hindi mo kilala si henry Sy, marahil alam mo ang SM. Sa dami ng SM sa buong Pilipinas khit ang mga maliliit na bata ay alam ito. Ang tao sa likod ng tagumpay ng SM ay walang iba kundi si Henry Sy. Isa syang from rugs to riches na nagsimula sa murang edad.
Lumaki si Henry Sy sa Jinjang, Xiamen, China, mula sa isang mahirap na pamilya. Dahil sa hirap ng buhay sa kanilang bansa, nagdesisyon ang kanilang pamilya na lumipat ng Pilipinas noong 1936 at nagsimula ng isang maliit na convenience store.
Pero nagkaroon ng World War II at bumagsak ang kanilang family business. Si Sy ay nagsumikap at hindi nagpatinag sa kasalukuyang sitwasyon at ginamit itong dahilan para mas lalo pang magsumikap. Nagtinda sya ng mga second hand military boots at iba pang mga secondhand items sa mga sundalong Amerikano. At dito nga nagsimula ang SHOE MART. Marami pang mga struggles ang naranasan ni Sy subalit hindi sya tumigil at lalo pang nagsumikap para maabot ang kanyang mga pangarap.
Namatay man si Sy noong 2019 sa edad na 94, ang kanya namang legacy ay patuloy na nabubuhay sa ngaun sa pamamagitan ng kanyang hindi mabilang na SM Malls at iba pang mga acquired businesses. Kaya naman isa din sya sa mga pinakamayamang tao sa buong mundo.
2. Tony Tan Caktiong (Jollibee Foods)
Ang mukha sa likhod ng sikat na “langhap sarap” – ang Jollibee trademark na kilala sa buong bansa at maging sa buong mundo.
Isa na namang Chinese immigrant, ang utak sa likod ng ating paboritong food chain. Ang kanyang pamilya ang nagumpisa ng food chain business sa Maaynila dahilan din kaya naitaguyod ang kanyang pagaaral sa kolehiyo.
Nagsimula sya sa icecream shop noong 1975, subalit dahil sa mababang sales, napagdesisyunan niang magdagdag ng iba pang mga pagkain tulad ng fried chicken, fries, at burgers. Dumami ang kanyang customers dahilan para lumago ang noo’y icecream shop lamang.
Nang lubusan ng maunawaan ni Caktiong ang pagpapatakbo ng fast food, nakapagexpand sya ng maraming branches sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Pagkatapos nito, sinubukan naman niang aralin ang pagpapafranchise na nagbigay sa kanya ng international market. Sa mahigit 2500 outlets nito sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa tulad ng United States, China, Saudi Arabia, Vietnam, Singapore, Brunei at UK, ang Jollibee ay isa sa pinakasuccessful na business dito sa Pilipinas.
3. Socorro Ramos (National Book Store)
Nagsimula si Socorro Ramos bilang isang salesgirl sa isang publishing at retail ng hindi kilalang bookshop. Sa kapital na PHP200, inumpisahan nia kasama ng kanyang asawa ang National Bookstore sa Escolta sa edad na 19. Noong panahong iyon ang 200 pesos ay malaking halaga na. Nagbebenta sila ng mga libro at mga school supplies sa mga estudyante. Noong panahon ding yun, nagpatupad ang mga Japanese ng mga pagsusuri at pagfifilter sa mga libro at publications, na nakaapekto sa kanyang pausbong pa lamang na Negosyo. Kaya naman minabuti nilang magasawa na magdagdag ng iba pang mga produkto tulad ng kandila at sabon.
Pagkatapos ng World War 2, lalo pang lumago ang Negosyo ni Ramos at nakapagpatayo sya ng isang building na may syam na palapag sa may Avenida. Sya ang personal na namamahala sa kanyang Negosyo na ultimo logo nito ay sya ang nagdesign.
Sa nagun, ang National Book Store ay mayroong ng 3,000 employees. Sa edad na 98, si Socorro Ramos ay may net worth na mahigit kumulang USD3.1 billion, at isa din sya sa pinakamayamang tao sa buong bansa.
4. John Gokongwei Jr. (J.G. Holdings)
Isa na namang Chinese, si John Gokongwei Jr. ay isang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Cebu.
Nang mamatay ang kanyang ama, ang yaman ng kanilang pamilya ay namatay din. Kaya naman sya ay napilitang itaguyod ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga pagkain gamit ang bisekleta sa mga lansangan sa Cebu. Hanggang sa lumago ito at nakapagpundar sya ng mga bangka at truck hanggang sa nakapagimport na din sya ng mga produkto mula sa Amerika.
At dahil nga sa limitasyon ng maliit na kapital, minabuti niang mangutang sa bangko para mas mapalago pa ang Negosyo. Nangutang sya sa Chinabank ng 500,000 at ginamit naman ito sa manufacturing business. Nagsimula din sya ng gilingan ng mais na kalaunan ay tinawag na Universal Corn Products.
Bagaman masasabing tagumpay na ang kanyang Negosyo, hindi sya tumigil na palaguin pa ito. Nagdagdag pa sya ng iba pang mga produkto tulad ng Blend 45 at kalaunan pinalitan ang pangalan ng kanyang kompanya at naging Universal Robina Corporation.
Namatay sya sa edad na 93 noong 2019. Ang kanyang pamilya ay isa sa mga kinikilalalng pinakamayamang pamilya sa buong bansa na nagmamayari din ng Robina Land Corporation, ang kompanya sa likod ng Robinsons Supermarkets at Department Stores, ganun din ng commercial airline na Cebu Pacific.
5. Edgar Sia (Mang Inasal)
Si Edgar Sia, ang utak sa likod ng Mang Inasal, na nakilala sa unlimited rice ay nagmula sa Iloilo City. Sya ay isang dropped out nung college sa edad na 19. Sa kaparehong taon din inumpisahan nia ang isang laundry business at photo developing business. Sa edad na 26, inumpisahan nia ang Mang Inasal bilang isang fast food at ang kauna-unahang nagooffer ng unli rice noong 2003 sa isang parking lot sa Iloilo kung saan sya lumaki.
Mabilis na gumawa ng pangalan ang Mang Inasal. Kaya ng mapansin ito ni Tony Caktiong ng Jollibee, binili nia ito sa halagang P5 billion. Ginamit ni Sia ang pera para iinvest sa bvanking at healthcare. Si Sia sa ngaun ay kilala sa pinakabatang bilyonaryo sa edad na 42.
6. Mariano Que (Mercury Drug)
Pagkatapos ng WWII, natuklasan ni Mariano Que ang oportunidad sa commercial. Si Que ay unang nagtrabaho sa isang local drugstore bago ang gyera. Ng makita nia ang pangagailangan ng sulfa, isang antibiotic para sa mga bacterial illnesses, ito ang ginamit niang inspirasyon para makapagbukas ng kanyang sariling Negosyo.
Nagumpisa syang magbenta ng magandang kwalidad ng sulfa sa murang halaga. At dahil nga mura at may kwalidad, dumami pa ang kanyang mga kliyente. Noong 1945, tinawag nia ang kanyang kompanya na Mercury Drug Chain of Phramacies.
Mercury Drug ang tinawag nia sa kanyang Negosyo na mula sa Roman god Mercury, na kilala sa kanyang bilis, kung saan din nagmula ang simbolo ng medical industry, ang caduceus. Sa kasalukuyan, kilala ang mercury drug bilang isang pinakamalaki at pinakasuccessful na drugstore sa buong bansa.
Sa anim na successful filipinos na ito, isa sa mga katangian nila ay ang never give up attitude. Ginamit nila ang mga sitwasyon, pangangailan ng kasalukuyang panahon, at hirap ng buhay para umpisahan at ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.
Add your comment