Madalas nating naririning na kailangan mong
mamuhunan kung gusto mong kumita ng pera. yung kailangan mong gumastos muna
para mamultiply ang iyong puhunan. Nakakalungkot isipin na maraming tao ang
takot gawin ito dahil marami ang takot malugi. Kung ganito ang ating magiging
kaisipan, sinasabi ko saung hindi ka makakaahon sa kung anong estado ng buhay
meron ka ngaun. Dahil ang totoo, hindi mo kailangang mamuhunan o gumastos ng
pera para magkaroon ng mas maraming pera.
Sa video natin ngaun, dahil matagal taung nawala sa youtube, masusi kong pinagaralan ang mga paraang isishare ko sa inyo. Ito ay mula sa aking sariling karanasan at nais kong ibahagi sa inyo dahil maaring ito din ang maging daan nio para magtagumpay.
Pero bago natin umpisahan, welcome and welcome
back to Filipino Success, kung saan nagsishare tau ng mga tips about personal
finance, business ideas and opportunities at personality development, please
consider subscribing with notifications on, ilike na din ang ating video dahil
mas nakakatulong ito para mas marami pang maabot ang mga ganitong content.
Tulad nga nabanggit ko kanina, may mga paraan
para kumita ng pera ng walang nilalabas na puhunan. Maraming mga sikat na tao
na nagumpisa sa wala pero nagtagumpay, sina Jeff Bezos, Sergy Brin at George Soros,
mga bilyonaryong kung titingnan mo kung saan nagsimula ay talaga namang
nakakainspire. Hindi naman pagiging bilyonaryo ang hangad natin, masyado pang
malayo yan sa ngayon pero magandang balikan ang kanilang istorya bilang
inspirasyon kung saan sila nagsimula. At ngayon nga ay umpisahan natin ang mga
paraang ito.
- Learn as much
skills as you can.
Alam mo bang kapag marami kang alam ay hindi ka mawawalan ng trabaho?
Maliban na lamang kung tlagang tamad ka. Masunugan ka man, bahain, mawalan ng
kontrata, lahat ng mga masasakit na pangyayari sa buhay, kung ikaw ay
nakapagipon ng sapat na kalinangan, babangon at babangon ka.
Bago nagkaroon ng Harry Potter, mayroong isang JK Rowling na depressed,
broke at single mother na pinagsasabay ang pagaaral at pagsusulat. Nareject ang
nobelang Harry Potter ng ilang beses pero hindi nagpatinag dahil naniwala sya
sa kanyang sariling kalinangan. Ayon pa sa kanya,
“It is impossible to live without failing at something, unless you live so
cautiously that you might as well not have lived at all – in which case, you
fail by default.”
Sa dami ng skills na maaari mong pagaralan sa ngaun, kung ikaw ay
resourceful, marunong magresearch, siguradong malayo ang mararating mo.
- Dropshipping
Nabanggit ko na din ito sa mga dati kong video dahil isa ito sa may
pinakamagandang return of investment mula sa 0 capital. Alam mo bang maaari
kang magnegosyo ng walang puhunan? Ang gagawin mo lang ay maghanap ng isang
business owner na gustong magexpand ng kanyang market. Ipost mo ang kanyang
porducts sa iyong social media account at kapag may order, si business owner na
ang bahalang magpadala nito. Ang tutubuin nito ay sau mapupunta depende sa
presyong pinost mo.
Madalas marami taung excuses kesa kumilos para pagaralan ang mga ganitong
bagay. Tandaan natin, walang makakatulong sau kundi ang sarili mo lamang. Kung
mas marami kang dahilan para hindi gawin o pagaralan ito, wala ng iba pang
option para sau dahil you will always find excuses.
- Offer services
to friends and other businesses.
Marunong ka bang magsulat ng content? Marunong ka ba ng basic computer,
basic computations, mahilig ka bang magpost sa iyong social media, bakit hindi
mo ito pagkakitaan? Alam mo bang ang khit na anong services simple man o
complicated ay maaari mong pagkaperahan? Maari mong icheck sa upwork.com o
fiverr.com ang mga services na pwede mong ibenta. Libre lamang ito. Khit ang
simpleng pagsusulat ng kanta, pagdrawing, pagkanta ng nursery rhymes,
pagconvert ng mga images sa texts, at marami pang iba, at maniwala ka, pag
sinabi kong marami pang iba, napakarami na hindi mo mabilang. Tyaga lang at
sigurado akong kikita ka.
- Gumawa ng
Youtube Channel o magsulat ng blog.
It will take some time bago ka kumita sa youtube, pero sa blogging maari
kang kumita kapag masipag kang magsulat. May mga free platforms kung saan pwede
mong umpisahan ang blogging sa kahit na anong topic. Nanjan ang blogspot na
number 1 free platform at kung saan din ako nagsimula. Kung mejo
nakakaluwag-luwag ka naman pwede kang bumili ng sarili mong domain sa godaddy
pero syempre it defeats the purpose na kumita ng walang nilalabas na pera. Sa
youtbe, walang swerte, ito ay base sa sarili kong karanasan. Dito kelangan mo
ng skill. Pagaralan mo ano ang mga tags na gagana para sau at pagisipang mabuti
ang content na engaging at hindi mabobored ang iyong audience hanggang sa huli.
Hindi yung pagkaclick nila, nakita nilang hindi mo man lang pinagisipan ang
content mo kaya hindi na nila ito papanuorin. Napakaraming mga content creators
ang nagututro ng libre tungkol jan, konting sipag lang sa pagriresearch at
pagaaral.
- Maghanap ng
trabaho.
Ito ang pinakabasic para magsimulang kumita ng pera. Oo meron at meron
tayong exuses kung bakit yung iba mas pinipili na lang na magstay sa bahay.
Ayos lamang ito basta siguraduhin lamang natin na ang ating bawat oras ay
productive. Hindi yung ilang oras ka ng nakatunganga, nanood ng youtube o
nangiistalk sa facebook, tapos iniexpect mong magkakapera ka? Paano? Aaasa ka
sa iba na ginagawa ang ilan sa limang bagay na nabanggit natin?
Add your comment