Nataggap mo na ba ang iyong Christmas bonus at napagisipan mo nb kung saan mo ito ilalaan? Bago pa maglahong parang bula ang iyong 13th month pay ng hindi mo namamalayan, hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilang tips paano imanage ang matagal mong hinintay na Christmas bonus.

Twing pasko, maraming pera ang mga tao dahil sa tradisyon nating mga Pilipino na pinaglalaanan talaga natin ito at marami ang nakakatanggap sa atin ng aginaldo mula sa ating mga trabaho kung ikaw ay isang empleyado. At dahil nga onti onti ng nakakarecover ang ating ekonomiya pagkatapos ng mahigit dalawang taong pandemya, isa sa mga kinasasabikan natin ay ang paggasta ng pera lalong higit ang Christmas shopping. Pero teka muna, bago mo pa ijustify ang pagubos sa iyong 13 month pay, baka gusto mong malaman paano mo mamaximize ang perang ito at tumagal sa iyong kamay ng mahabang panahon.

1. Pay your debts

Diba masarap sa pakiramdam na nabawasan ang iyong isipin sa pagbabayad ng utang? Bayaran mo ang mga utang na may mataas ang interest at mataas ang late payment penalty. Maglaan ng ilang bahagi sa iyong 13 month pay para dito.

Sa iba, mas prefer nilang ubusin ang kanilang utang kahit wla ng matira sa kanilang bonus. Pero kung gusto mo din naming ienjoy ang pinaghirapan mo, ok lang na magtira ka para sayong sarili pero sikapin mong mabawasan ang iyong bayarin. Pag nagawa mo yan, you’re off to a good start.

2. Invest in yourself

Laging mong isipin na isa sa pinakamagandang investment ay ang iyong sarili. Hindi masamang gumastos ng ilang part ng iyong Christmas bonus sa iyong personal growth. Maghanap ka ng mga courses o libro na maaari mong magamit to enhance your knowledge and skills. Malaki ang nagagawa ng professional improvement na maaaring mag-open ng mas maraming opportunities para sau sa hinaharap.

Isa ding paraan to invest in yourself ay ang life insurance plan. May mga Investment-linked life insurance funds na available para mas mamaximize mo ang benefits mula sa iyong investment. Sa mga ganitong insurance, you can make the most of your earning potential na maumpisahan mo ang iyong journey towards financial freedom.

3. Build your emergency fund

Isa sa mga mahirap gawin lalo na ng pangkaraniwang empleyado dahil sa maliit na sahod ay ang pagbuild ng emergency fund. Sa isang ordinaryong tao, ang pagsisave ay hindi madali lalo’t sa kanya lahat ng gastusin sa bahay. Ang emergency fund ang magsisilbing safety net mo at magiging proteksyon mo sa mga panahong hindi tiyak tulad ng karamdaman, aksidente, mga natural calamities tulad baha, bagyo, sunog, name it, kapag may emergency fund ka, mas panatag kang harapin ang mga ito. Sa extrang Christmas bonus, subukan mong magtabi kahit konti para dito. Magopen ka ng isang savings account na dedicated lamang sa emergency fund. Iyong accessible sa panahong kailangan mo. Kalaunan maari mo itong dagdagan hanggang sa mabuo mo ang atleast 3 months mong sahod na maaari kang masustain kahit walang pumapasok na income.

4. Explore investment opportunities

Pagdating sa investments, marami kang mga options na maaaring umpisahan. Ang maganda sa investments ay kahit na zero knowledge ka, maaari ka pa ding maginvest. Hindi mahalaga kung batikan ka o beginner, ang mahalaga ay inaaral mo ang investment na papasukin mo. Maari mong gawing options for investment ang mutual funds and money market funds. Eventually makikita mo ang investment na match sa risk appetite mo kung ikaw man ay conservative, moderate, or aggressive investor. Tandaan, iinvest po lamang ang perang afford mong mawala sau.

5. Prepare for Retirement

Iniisip mo bang masyado ka pang bata para magprepare for retirement? Not really. As early as now dapat pinaplano mo na ito. Hindi ba masarap isipin na maeenjoy mo ang pinaghirapan mo habang malakas ka pa? Sabihin na nating regalo mo ito para sa hard work mo. Hindi mo na gugustuhing magtravel kung mahina na ang tuhod mo dba? Mas masarap pa ding ienjoy ang mga bagay na ito habang kaya mo pa.

Research shows that 80% ng mga Filipinos na ang edad ay malapit na sa retirement age ay hindi financially prepared para magretire. Sana’y wag nating hayaan na mapasama tayo sa 80% nay un.

Ang yearly bonus at 13th-month pay na hinintay mo ng buong taon ay maaaring maglaho sa isang iglap lng kung hindi ka magiging matalino kung saan mo ito ilalaan. Pagisipan mong mabuti bago ka magdesisyon kung saan mo ito gagastusin dahil ang lifestyle inflation ay madalas nangyayari kapag ang tao ay kumita ng mas malaki at gumagastos din ng mas malaki. Lagi mong isipin na hindi masamang itreat ang sarili once in awhile pero kung marunong kang magmanage ng pera mo, hindi baga treat na din yun sa iyong future self?

SHARE 0 comments

Add your comment

Visit Our Youtube Channel

© Filipino Success · Designed by rrubion