Ang kalayaan hindi lamang sa oras kundi maging sa maraming bagay ay nagsisimula kapag marunong kang humindi. Hindi lahat ng tao ay kayang mag-NO. Maging ako man ay hindi fan ng salitang ito dahil mayroon itong negative connotation na rejection sa isang bagay o isang tao. Pero ang katotohanan, kailangan mong matutong mag-NO para maging successful ka. Bakit nga ba? Dahil Hindi ka pwedeng magYES sa mga bagay na mahalaga sau na hindi nagno-NO sa mga opposite nito.
Ang mga successful na tao ay alam ang katotohanang dapat marunong kang humindi sa mga bagay na hindi naman mahalaga para maabot mo ang iyong personal goals sa buhay. Ibig sabihin, nirireject nila ang mga opportunities na maaaring sumira sa balance na nagawa na nila para mareach ang kanilang main objective, which is to become successful.
Sa mga librong atin ng nabasa at mga kwento ng mga successful entrepreneurs and personalities, napansin kong mayroon lamang tatlong bagay o sitwasyon na dapat kang huminde, if you want to be successful. At yan ang isishare ko sa ating video ngaun.
Pero bago natin umpisahan, welcome to Filipino Success kung saan nagshishare tau ng mga tips about personal finance, business ideas and opportunities at personality development. Please consider subscribing with notifications on. Ilike na din ang ating video para mas marami pang maabot ang mga ganitong money lessons.
At ang unang sitwasyon na dapat kang Huminde ay,
Being a Victim of Circumstance
Alam ng mga taong Successful na sila lamang ang incharge sa kanilang buhay.
Kahit gaano pa kasama ng sitwasyon, alam nila kung paano ito babaligtarin at makita ang silver lining mula dito.
Noong 1993, si JK Rowling ay wlang trabaho, divorced at may depression habang mag-isang tinataguyod and kanyang anak. At ang malala pa nito, sa sinulat niang Harry Potter, rejected sya ng 12 publications. Subalit hindi ito naging dahilan para sya ay tumigil at igive up ang kanyang goal to become a successful writer.
Nagpatuloy lamang sya sa kanyang pagsusulat ng Harry Potter hanggang sa makilala nga ito at naging isa sa mga best-selling books na naisapelikula na nga.
Si Oprah Winfrey na nagsimula din bilang news anchor ay nawalan ng trabaho dahil sa napakaraming controversies.
Subalit hindi din nito napigilan ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling talk show na kalaunan ay naging isang pinakasuccessful media personaliy ever.
Ayon nga sa isang kasabihan ng hindi kilalang personalidad, “Sometimes you need to step outside, get some air and remind yourself of who you are and where you want to be.”
Wag mong hayaang maging biktima ka ng sitwasyong gumagapos sa marami. Gamitin mo ang masamang karanasan o pangit na sitwasyon para maging motivation mo at inspirasyon na makawala o makaahon mula dito.
2. They Say ‘No’ to Playing It Safe
Alam ng mga taong Successful na ang risk ay isang mahalagang bahagi ng tagumpay.
Ang pagsubok ng mga bagong bagay ay kadalasang maaaring humantong sa kabiguan. Pero binibigyan ka rin nito ng pagkakataong magdiscover ng mga bago o mas magaganda pang pangyayari kesa sa expectation mo.
Isang halimbawa nito ay si Richard Branson. Nung naguumpisa pa lamang sya, hindi nia gusto ang ideang stick to one business. Kaya ang ginawa nia ay nagnegosyo sya ng airline, record label, at magazine — ng sabay sabay.
Ngayon, isa na sya sa mga kinikilalang most successful entrepreneurs in the world.
Si Mark Zuckerberg naman noong 2010 ay nagrisk din na baguhin nia ang buong feature ng newsfeed ng Facebook introducing location-sharing. Marami syang natanggap na mga reklamo na ang iba pa nga ay nagdeactivate ng kanilang mga accounts. Subalit ang lahat ng ito ay balewala sa kanya dahil mahalaga sa kanyang marating nia ang goal ng kanyang business regardless of the situation. At eventually nga ay nagbunga ito at yan ang Facebook natin ngaun. Ayon pa sa kanya,
“The biggest risk is not taking any risk… In a world that changes so quickly, the only strategy that is guaranteed to fail is not taking risks.”
~ Mark Zuckerberg
Sumubok man ng mga bagong bagay o gawin ang mga bagay na hindi pangkaraniwan, alam ng mga taong successful na saying NO is crucial sa pagabot ng kanilang goals.
Sa pamamagitan ng pag set ng boundaries at pagprioritize kung ano ang mahalaga, nakakapagfocus sila sa kung ano ang nagdadrive sa kanila towards success.
Hindi madali ang saying no to playing it safe. Masasaktan ka, marereject, mahihirapan, pero everything is gonna be worth it.
3. They Say ‘No’ to Out-of-Shape Bodies
Kung isa ka sa mga out of shape, siguro magiging in denial ka dito. Hear me out at unawain mo ang point bakit kailangang mong matutunang magNO sa out of shape. Disclaimer lamang po, this is not body shaming dahil iba iba tau ng health issues.
As with any other part of success, may mahalagang papel na ginagampanan ang iyong physical health sa pagabot ng iyong goals. At isa nga ito sa mga dahilan kung bakit ang mga taong successful ay maingat sa kanilang sarili, lalo na sa kalusugan, mga kinakain, pageexercise regularly at pagtulog sa tamang oras.
Isang halimbawa nito ay ang celebrity chef na si Jamie Oliver na tinaguriang champion of healthy eating habits, na nagpopromote ng kanyang philosophy ng “food revolution” para baguhin ang pananaw ng mga tao patungkol sa nutrition.
Sa isa sa kanyang mga interviews sinabi nia na ang kanyang battle sa weight gain ay nagturo sa kanya ng kahalagahan ng pag-aalaga sa kanyang katawan.
“I was quite chubby as a kid and then I went through my sort of rebellious, drinking, smoking phase in my late teens. So I know what it feels like to be unhealthy and unfit.”
Ganundin ang sinabi ng billionaire businessman na si Richard Branson na isa din sa kanyang priority ang kanyang physical fitness. Sa isang magazine interview sinabi niang;
“I’m probably fitter now than I’ve ever been. And one of the secrets is having a very good personal trainer…I love rowing and I’ve rowed twice around the island of Manhattan. I did several eights that were over an hour.”
Pansinin mo din si Elon Musk, napakabusy sa dami ng kanyang mga projects at businesses pero fit at nagwowork out pa din regularly.
Ayon sa Science, ang pageexercise during workday ay nakakadagdag sa productivity mo by 72% higher. Hindi mahalaga kung anong exercise ito, maging ang simpleng paglalakad ay maaari ng makatulong.
Ayon pa nga kay Napoleon Hill, author at entrepreneur, “An active body leads to an active mind.”
Mapaprofessional o personal success man ang nais mong maachieve, ang pagaalaga sa iyong physical health ay mahalaga.
Final Thoughts
Mahirap huminde o magsabi ng no sa maraming mga bagay pero isa itong powerful tool na ang mga taong successful ay madalas ginagamit para magstay focused sa kanilang goals.
Kapag marunong kang huminde, mas marami kang maaaccomplish na maaaring magmaintain ng iyong work-life balance.
In summary, Say no to
1. Being a Victim of Circumstance
2. Playing It Safe
3. Out-of-Shape Bodies
Ano pa ba ang mga bagay na dapat kang magNO para maachieve mo ang iyong goal? Share with me in the comments below!
Add your comment